May 08, 2026

Home BALITA Probinsya

Pampasaherong bus, nahulog sa bangin; 2 nasawi!

Pampasaherong bus, nahulog sa bangin; 2 nasawi!
Photo Courtesy: Pagbilao Municipal Disaster Risk Reduction Management (FB)

Sumadsad ang pampasaherong bus sa bangin na matatagpuan sa Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon.

Ayon sa Pagbilao Municipal Disaster Risk Reduction Management noong Lunes, Abril 20, umabot sa 41 ang pasaherong sugatan samantalang dalawa naman ang nasawi.

Rumesponde naman agad ang mga opisyal kasama na ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Health Officer (MHO) at iba pang concerned citizens. 

Nagbigay sila ng mga kinakailangang paunang lunas at agad na dinala sa ospital ang mga biktima para sa karagdagang pagsusuri.

Galing umanong Bicol ang pampasaherong bus at papuntang Maynila ang biyahe.

Probinsya

Biyudang nangholdap gamit ang baril-barilan, 'di umubra sa biniktimang beki!

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang detalye kaugnay sa sanhi ng aksidente.