Binalaan ng Antique Provincial Veterinary (ProVet) Office ang mga magbababoy laban sa ilang negosyanteng na nag-aalok na bibilhin ang kanilang mga baboy sa mababang presyo sa gitna ng napaulat na pagtama ng kaso ng African swine fever (ASF) sa Hamtic.

Sa panayam, binanggit ni ProVet Public Health division chief, Dr. Marco Rafael Ardamil, nakatanggap sila ng ulat umiikot ang ilang negosyante sa nasabing bayan at nag-aalok na bumili ng buhay na baboy na hanggang ₱70 kada kilo o kalahati lamang ng kasalukuyang presyo nito na mula ₱130 hanggang ₱140 bawat kilo.

“We received reports like in the town of Patnongon and other northern towns of the province that there are some people who are taking advantage and even threatening hog-raisers to already sell their live weight for as low as ₱70 per kilo,” ani Ardamil.

Aniya, tinatakot pa ng mga negosyante ang mga magbababoy na kailangan na nilang ibenta ang kanilang mga baboy dahil kakalat na ang ASF sa lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Gayunman, ipinaliwanag ni Ardamil na nasa 348 na baboy lamang ang apektado ng ASF sa 11 barangay sa naturang bayan.

“We still cannot confirm that the hog mortality is due to the ASF since we have not yet sent a specimen for testing at the Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) laboratory,” banggit pa ng opisyal.

Philippine News Agency