Isang kelot ang patay nang saksakin siya umano ng isang lalaking kanyang nakaalitan sa Rodriguez, Rizal nitong Linggo ng gabi.

Naisugod pa sa Casimiro Ynares Hospital ang biktimang si Rogelio dela Fuente ngunit binawian din ng buhay dahil sa tama ng saksak sa dibdib.

Samantala, nakatakas at tinutugis na ng mga pulis ang suspek na nakilala lang na si Jomarie Quiñonez, na nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay sa piskalya.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Sitio Harangan, Gulayan, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Lumilitaw sa imbestigasyon na bago ang krimen ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at tinarakan sa dibdib ang biktima.