Nasa 111 na magsasakang kabilang sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang tumanggap ng titulo ng lupa sa Sarangani.

Sinabi ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ang pagtanggap ng mga magsasaka ng electronic land titles (e-titles) mula sa ahensya ay bahagi ng kanilang ipinatutupad na Support to Parcelization of Land Through Individual Titling (SPLIT) Project.

Layunin ng proyekto na mapabilis ang paghahati-hati ng collective o co-owned Certificate of Land Ownership Award (CCLOA) sa mga indibidwal na matagal nang nangangarap na magkaroon ng sariling sakahan.

Ang hakbang ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kay DAR Secretary Conrado Estrella III.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pakay din nito na mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka at matiyak na tuloy-tuloy ang produksyon ng pagkain sa bansa.