Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Tokyo, Japan nitong Biyernes, Mayo 26.

Sa ulat ng Agence France, Presse, wala namang tsunami warning na inilabas ang mga awtoridad at wala rin umanong agarang ulat ng pinsala na dulot ng nasabing lindol.

Ayon sa meteorological agency ng bansa, tumama ang lindol, na may lalim na 50 kilometro, sa baybayin ng rehiyon ng Chiba, silangan ng Tokyo, pagkaraan lamang ng 7:00 ng gabi (1000 GMT).

Dahil sa lindol, saglit na huminto umano ang mga serbisyo ng tren sa lugar, habang pansamantala naman isinara ang mga runway sa Narita Airport, isang internasyonal na gateway sa Tokyo.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Ayon sa national nuclear authority, wala namang nakitang abnormalidad sa nuclear plants sa rehiyon.

Ilang sandali bago maramdaman ng mga residente ng Tokyo ang pagyanig, naabisuhan umano agad sa telebisyon ang mga tao dahil sa advance warning system ng bansa para sa mga lindol.