MALASIQUI, Pangasinan -- Patay sa pamamaril ang isang miyembro ng civilian volunteer organization (CVO) habang nakikipaglibiing nitong Martes, Mayo 23, sa Barangay Polong Sur dito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Delfin de Guzman de Vera, 52, CVO ng Barangay Polong Sur.

Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kaniyang tricycle habang nakikipaglibing patungo sa bayan ng Malasiqui nang barilin ito.

Ang gunman at lookout nito ay tumakas sakay ng isang motorsiklo. 

Probinsya

9-anyos na bata, patay sa rabies; aso, kinatay at kinain pa ng 30 katao

Sinabi ng pulisya na dead on the spot si De Vera dahil nagtamo ito ng mga tama ng baril.

Nagsagawa ng dragnet checkpoint at chokepoint operations ang Malasiqui Police para mahuli ang mga suspek.