Dalawang pagyanig at siyam na rockfall events ang naitala sa Mayon Volcano sa nakaraang 24 oras, ayon saPhilippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa monitoring ng Phivolcs, ang naramdamangvolcanic activity ay nai-record nitong Linggo, dakong 5:00 ng madaling araw hanggang Lunes, dakong 5:00 ng madaling araw.

Gayunman, hindi nakitaan ng crater glow ang bulkan sa nakaraang 24 oras.

Nagbuga rin ito ng usok na umabot sa 100 metrong taas.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakitaan pa rin ng ground deformation o pamamaga ng bulkan.

Nananatili ring nasa level 1 ang alert status ng bulkan na nangangahulugang bawal pa ring pumasok o lumapit sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil posibleng magkaroon ng phreatic explosions, pagragasa ng mga bato at lahar kapag umuulan.

Inalerto naman ng ahensya ang mga residente sa paligid ng bulkan dahil na rin sa patuloy na pag-aalburoto nito.