Ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes, Mayo 4, na aabot na sa 71,153 family food packs (FFFs) ang naibahagi ng kanilang ahensya sa mga apektadong residente ng pag-alburuto ng bulkang Mayon noong Sabado, Mayo 2.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan para sa agarang pagresponde at pagsaklolo sa mga naapektuhan ng ashfall.
Batay pa sa ulat ng DSWD, naipamigay na rin ang 1,402 ready-to-eat food (RTEF) boxes at 7,634 non-food items (NFIs).
Ayon naman sa pinakahuling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nananatili sa Alert Level 3 ang bulkang Mayon, matapos itong magbuga ng abo at pyroclastic density currents (PDC), na siyang nagdala ng ashfall sa iba’t ibang munisipalidad sa Albay.
Maliban sa mga residente, lubos ding naapektuhan ng insidente ang mga pananim at hayop sa mga karatig-lugar.
MAKI-BALITA: Mga hayop, pananim lubos na apektado ng Mayon volcano ashfall-Balita
Pinayuhan na rin silang mag-ingat at manatili na lamang sa kanilang mga tahanan kung maaari.
MAKI-BALITA: Camalig LGU, pinag-iingat mga residente sa heavy ashfall dulot ng Mayon-Balita
Photo courtesy: DSWD