Hindi kinaya ng maraming netizens ang pakili-kili at pag-flex ni Kapuso hunk David Licauco ng kaniyang batak na katawan sa isang topless photo kamakailan.

Habang suot ang isang summer short, all-smile si David sa viral nang larawan.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Batak na batak ang Kapuso star na ikinaloka naman ng hindi prepared na netizens.

Kaniya-kaniya na silang hirit sa aktor.

“KAYA PALA MAS LALONG UMINIT SA PINAS,🥵” komento ng isang kilalang Korean content page na pinatatakbo ng Pinoy netizen.

"Nag-i-scroll lang ako bigla akong nagutom,”pilyong hirit ng isang netizen.

“Yes I do,” echoserang komento rin ng marami sa larawan ng aktor.

“I caaaaaaaaan't, 🥵

“IINGATAN, PAGSISILBIHAN, LULUHURAN, AALAGAAN, JOJOWAIN, AASAWAHIN, MAMAHALIN HABANG BUHAY, I TAKE THEE TO HAVE AND TO HOLD, IN SICKNESS AND IN HEALTH, FOR RICHER OR FOR POORER, TO LOVE AND CHERISH FROM THIS DAY FORWARD UNTIL DEATH DO US PART, YES PO FATHER I DO, ❤❤❤” laugh trip na litanya ng isa pang fan sa topless na si David.

Basahin: David Licauco, inaming bet na bet ang doggy na sex position; netizens, nagsitahulan na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“SHET GRABE ANG PANDESAL I LOVE YOU FIDEL MY LOVE LULUHURAN!🛐🛐🛐

Isang netizen naman ang tila binalikan si David matapos unang ibahagi nitong kakalmahan na ang pagpapakita ng katawan matapos ang matagumpay na Maria Clara at Ibarra kung saan aniya ay maraming young audience ang sumubaybay sa kaniya.

Basahin: ‘Child-friendly na image?’ David Licauco, hindi na hubadero – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Bhe akala ko ba nagpromise ka na na di ka na magpapakita ng abs mo haaaa. Sabi mo para sa mga mata ko lang yan!😤Charaught!😂❤❤❤

Depensa naman ng isa pang netizen: “Bhe akala ko ba nagpromise ka na na di ka na magpapakita ng abs mo haaaa. Sabi mo para sa mga mata ko lang yan!😤Charaught!😂❤❤❤

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 65,000 reaction ang viral photo.