June 05, 2026

Home BALITA National

DepEd, ilulunsad AI-assisted tool para mapagaan administrative workload ng mga guro

DepEd, ilulunsad AI-assisted tool para mapagaan administrative workload ng mga guro
Photo courtesy: DepEd Philippines (FB)

Nakatakdang ilunsad ng Department of Education (DepEd) ang isang artificial intelligence-enabled solution sa layong bawasan ang mabigat na administrative workload ng mga guro sa mga paaralan. 

Batay sa inilabas na pahayag ng DepEd noong Miyerkules, Abril 22, ang nasabing AI tool ay ang sistemang SIGLA (System for Intelligent Growth and Learner Anthropometry), na isang mobile phone-assisted tool na tutulong sa mga guro na tantiyahin ang taas at BMI (Body Mass Index) ng kanilang mga mag-aaral. 

Gamit ang AI frameworks tulad ng computer visiion, magsasagawa ng nutritional classification ang SIGLA, na alinsunod sa pamantayan ng World Health Organization (WHO). 

Sa pamamagitan nito, mababawasan na ang pangangailangan ng mga guro na gawin ng manula ang pagsukat at encoding. 

Saad ni DepEd Sec. Sonny Angara, sa tulong ng mobile phones, mas mabilis na ring matutukoy ng mga guro ang mga mag-aaral na nangangailangan ng agarang atensyon.

National

Brodkaster kay Marcoleta: 'You only want your truth, kung hindi, bayaran ang media?'

Dahil dito, mabibigyan na ng maagang nutrition support ang mga mag-aaral habang ang mga guro nama’y makakapaglaan na ng mas maraming oras sa pagtuturo.