May 12, 2026

Home BALITA National

'Sinusuwelduhan mga congressman para manahimik!'—Rep. Leviste

'Sinusuwelduhan mga congressman para manahimik!'—Rep. Leviste
Photo courtesy: Rep. Leandro Leviste (FB)

Pumatutsada si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na tila naiinip daw siyang maging isang mambabatas sa Kongreso dahil sa mahabang tigil-sesyon, kahit na gusto pang magtrabaho.

Ayon sa naging pahayag ni Leviste sa kaniyang Facebook page nitong Huwebes, Abril 23, 2026, sinabi niyang naka-session break ang Kongreso mula pa noong Marso 18 hangang Mayo 4, 2026, kaya raw hindi niya magawang magtrabaho rito. 

“Nakakainip maging Congressman,” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB post ni Leviste. 

Dagdag pa niya, “Kahit gusto mong magtrabaho sa Kongreso, naka-session break March 18 hanggang May 4.” 

National

Palasyo sa paghingi ni Sen. Bato ng proteksyon kay PBBM: 'Maski EJK victims, humihingi ng proteksyon!'

Buwelta ni Leviste, wala raw silbi kahit pumasok siya dahil sinusuwelduhan lang umano ang mga kagaya niyang mambabatas hindi para magtrabaho kundi para manahimik. 

“Kahit pumasok ka, halos wala namang silbi. Sinusuwelduhan ang mga Congressman hindi para magtrabaho kundi para manahimik,” patutsada at pagtatapos niya. 

Samatantala, nakatakda namang muling magsagawa ng sesyon ang kapuwa Senado at Kamara sa darating na Mayo 4, 2026, matapos ang mahigit isang buwan na session break (recess). 

Sa pagitan ng panahong ito, nagpapatuloy pa rin ang trabaho ng mga Komite ng Kongreso, partikular ng mga kasalukuyang isinagawa nilang pagdinig. 

Habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag ang Kongreso kaugnay sa naging komentong ito ni Leviste. 

KAUGNAY NA BALITA: Usec. Castro, 'di pinaubra si Rep. Leviste sa bwelta kay PBBM