May 21, 2026

Home BALITA National

Kampo ni VP Sara, nanawagan sa publiko: 'Hintayin nila kami!'

Kampo ni VP Sara, nanawagan sa publiko: 'Hintayin nila kami!'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nanawagan ang kampo at mga abogado ni Vice President Sara Duterte sa publiko na maghintay raw ito sa panahong sila naman ang maglalabas ng mga detalye para depensahan ang kanilang kliyente. 

Ayon sa isinagawang press conference ng kampo ni VP Sara, partikular sa naging pahayag ni Attorney Michael Poa nitong Huwebes, Abril 23, 2026, sinabi niyang hindi naman daw niya pinaparating na kasinungalingan ang mga alegasyong inilatag laban sa Bise Presidente sa naging pagdinig ng House Committee on Justice noong Miyerkules, Abril 22. 

“I’m not saying false—’yong mga lumalabas. What I am saying is we have to be cautious…” pagsisimula niya. 

Ani Poa, hintayin daw sana ng publiko na sila naman ang magpresenta ng kanilang mga ebidensya upang pabulaanan ang lahat ng mga alegasyong binabato laban kay VP Sara. 

“Ang panawagan namin is hintayin nila kami. Hintayin nila na kami naman ang magpresenta ng aming ebidensya para pabulaanan lahat ng mga lumalabas ngayon laban sa ating Bise Presidente,” pagtatapos pa niya. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Matatandaang kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa naging ikatlong araw na impeachment hearing ng House Committee on Justice na may kabuuang mahigit 630 covered transaction reports (CTRs) daw at 33 suspicious transaction reports (STRs) na may kaugnayan umano kay VP Sara at sa kaniyang asawang si Manases Carpio.

Anila, umabot umano sa ₱6,771,227,712.95 ang kabuuang halaga ng covered at suspicious bank transactions na nakapangalan umano o may kaugnayan sa mag-asawa.

Dagdag pa rito, inilahad din ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa nasabing pagdinig na nakatanggap daw ng aabot sa daan-daang milyong piso noon ang VP Sara, kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, at iba pang miyembro ng pamilya nito mula sa isang drug lord. 

Sa sinumpaang salaysay, binanggit ni Trillanes ang mga kapatid ni VP Sara na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, Veronica “Kitty” Duterte, at Honeylet Avanceña na umano’y konektado sa drug lord na nagngangalang si Samuel “Sammy” Uy.

KAUGNAY NA BALITA: Pamilya Duterte, tumanggap ng daan-daang milyon sa drug lord—Trillanes

KAUGNAY NA BALITA: Higit ₱6B-covered at suspicious transactions ni VP Sara, mister kumpirmado!—AMLC