May 22, 2026

Home BALITA National

Pamilya Duterte, tumanggap ng daan-daang milyon sa drug lord—Trillanes

Pamilya Duterte, tumanggap ng daan-daang milyon sa drug lord—Trillanes
Photo courtesy: HOR, File Photo

“₱181,653,487.55” 

Isiniwalat ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa naging pagdalo niya sa pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment cases na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Abril 22, 2026 na nakatanggap daw ng aabot sa daan-daang milyong piso noon ang Bise Presidente, kaniyang amang si FPRRD, at iba pang miyembro ng pamilya nito mula sa isang drug lord. 

Sa sinumpaang salaysay, binanggit ni Trillanes ang mga kapatid ni VP Sara na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, Veronica “Kitty” Duterte, at Honeylet Avanceña na umano’y konektado sa drug lord na nagngangalang si Samuel “Sammy” Uy. 

“Batay sa mga nabanggit na records, nalikom ko ang mga sumusunod na mahahalagang impormasyon, na nagpapakita na si Sara Duterte, at ang mga miyembro ng kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang ama na si Rodrigo Duterte,” pagsisimula niya. 

Pagpapatuloy niya, “[A]ng common-law wife ni Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña, kasama pa ang kanilang anak na si Kitty Duterte, ang mga kapatid niya na sina Pulong Duterte at Baste Duterte, ay tumanggap ng pera o nag-encash ng daan-daang milyong halaga ng mga cashier's checks at/o mga personal checks mula sa isang kilalang Drug Lord na si Samuel Uy (na kilala rin bilang si ‘Sammy Uy’).” 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Paglalatag ni Trillanes, tatlong beses umanong tumanggap si VP Sara kay Uy ng halagang ₱7,440,846.07 sa mga petsang Marso 17, Oktubre 25, 2011, at Abril 24 noong 2012 na may kabuuang ₱22,322,538.21. 

Ani Trillanes, tumanggap naman si FPRRD kay Uy ng mga halagang:₱775,000.00 noong Nobyembre 14

₱7,440,846.07 naman noong Oktubre 22, 2012

₱7,440,846.07 ulit noong Abril 04, 2013

May kabuuan umano itong ₱15,656,692.14 

Aniya pa, tumanggap naman daw si Mayor Baste ng mga halagang:

₱10,316,591.18 noong Marso 2011 

₱10,316,592.68 noong Oktubre 25, 2011

₱10,316,592.68 noong Abril 23m 2012

₱10,316,591.18 noong Oktubre 22, 2012

₱10,316,591.18 noong Abril 10, 2013

May kabuuan umano itong ₱51,582,958.80

Ayon pa kay Trillanes, apat na beses naman tumanggap si Rep. Pulong ng mga halagang ₱9,703,609.39 sa nasabing drug lord sa mga petsang Marso 14, Oktubre 25 noong 2011, Abril 24, at Oktubre 22 naman noong 2012. May kabuuan umano itong ₱38,814,437.65

Samantala, idiniin din ni Trillanes na may pumasok din umanong na mga milyones sa bank accounts nina Honeylet at Kitty mula kay Uy: 

₱10,655,371.81 noong Marso 9, 2011

₱10,655,371.81 noong Oktubre 11, 2011

₱10,655,373.31 noong Abril 23, 2012

₱10,655,373.81 noong Oktubre 22, 2012

₱10,655,373.81 noong Abril 10, 2013

May kabuuan umano itong ₱53,276,860.55. 

Paglilinaw ni Trillanes, aabot umano sa kabuuang halaga na ₱181,653,487.55 ang umano’y natanggap na pera ng pamilya Duterte sa nasabing drug lord. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon ang kampo ng pamilya Duterte kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes, inanyayahang dumalo sa impeachment hearing sa Abril 22!