Tuguegarao City -- Patay ang isang lalaki at pamangkin nitong lalaki matapos malunod sa Cagayan River sa Barangay Centro 1, Tuguegarao City noong Sabado, Mayo 13.

Ang isa sa mga biktima ay kinilalang si Michael, 39 at ang pamangkin niyang 8-anyos na pawang residente ng Brgy. Ugac Sur, Tuguegarao City.

Sa imbestigasyon, dakong 12 ng tanghali nang magpunta sa Cagayang river ang mga biktima kasama ang kanilang mga kamag-anak para mag-picnic.

Habang nag-eenjoy, nagpasya ang dalawa na maligo ngunit napunta sila sa malalim na parte ng ilog.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"Tuluyan nalunod ang mag-tiyuhin nang mapadpad sa malalim na lugar," ayon sa kaanak.

Agad namang inireport sa Tuguegarao City Rescue ang insidente.

Natagpuan ang bangkay ng 8-anyos noong Sabado habang kinabukasan naman narekober ang bangkay ng kaniyang tiyuhin.