CAGAYAN -- Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 at Claveria Police ang dalawang High Value Target (HVT) sa Brgy. D’ Leaño, Claveria sa bayang ito nitong Linggo, Mayo 15.

Kinilala ng mga operatiba ang mga suspek na sina Reygine Agcaoili Rangpas (HVT), 27, ng Brgy. San Juan, Sta Praxedes, Cagayan; at Dennis Ramos Brioso (HVT), 24, ng Brgy. San Antonio, Claveria, Cagayan.

Nakumpiska sa operasyon ang isang buhol ang nakatali sa transparent plastic bag na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang methamphetamine hydrochloride na kilala bilang Shabu.

Ang ilegal na droga ay tumitimbang ng humigit kumulang 60 gramo na may tinatayang market value na P408,00.00.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakumpiska rin ang isang itim na bag na naglalaman ng apat na hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa brick form at dalawang elongated form na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana.

Ito ay nakabalot ng brown packaging tape na tumitimbang ng higit o kulang sa 6 na kilo na may tinatayang market value na P720,000.00.

Nakuha rin ang isang Motoposh motorcycle na may sidecar, dalawang unit ng cellular phone, cash sa magkaibang denominasyon, samu't saring mga dokumento at ID at ang buy-bust money.

Ang mga naaangkop na kaso ay isasampa laban sa kanila.