Calaca City, Batangas -- Patay ang 21-anyos na binata na sinaksak umano ng isang magsasaka sa isang birthday party sa Barangay Cahil dito noong Linggo ng hapon, Mayo 7.

Kinilala sa ulat ang biktima na si Carlo Caag, habang ang suspek naman ay si Efren de Roxas, 40, magsasaka at kapwa residente ng nasabing lugar.

Bandang 4:30 ng hapon, nasa party umano ang biktima habang nakatayo sa terrace ng bahay ng debutante, bigla umanong sumulpot sa likuran ang suspek na may bitbit na kitchen knife at sa hindi malamang dahilan ay sinaksak ang biktima ng isang beses sa kaliwang bahagi ng tiyan. 

Tumakas ang suspek gayung ang biktima ay isinugod pa sa Ospital ng Calaca ngunit idineklara itong dead on arrival.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Nagsasagawa na ng follow up ang Calaca City Police para madakip ang tumakas na suspek at isasailalim naman ng Batangas Provincial Forensic Unit sa autopsy ang bangkay ng biktima.