Nadagdagan pa ng isa ang nasawi sa pamamaril sa compound ni Negros Oriental Governor Roel Degamo na ikinasawi ng huli at walong iba pa noong Marso.

Ito ay nang bawian ng buhay ang dating nasugatan na si Fredilino Cafe Jr..

Sa social media post ng kampo ni Degamo, si Cafe ay empleyado ng Negros Oriental Provinical Engineering Office.

Kasa-kasama ni Degamo si Cafe sa pakikipagharap nito sa mga residenteng benepisyaryo ng ipamamahaging ayuda nang maganap ang insidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang pinagbabaril ng mga hindi nakikilalang lalaki si Degamo sa compound nito sa Pamplona na ikinasawi nito kaagad at walong iba pa nitong Marso 4.