“Hindi kailangan maging maputi para maging maganda.”
Ito ang message ni Actress-TV host Bianca Gonzalez sa kaniyang social media post matapos niyang i-share ang kaniyang naging experience tungkol sa beauty standard noong nagsisimula pa lamang sa industriya.
“When I was growing up, fair skin was THE beauty standard,” panimulang post ni Bianca sa Twitter nitong Biyernes, Mayo 5.
“I had my share of bullies, but I loved (and still love) my dark skin.”
Kinuwento rin ni Bianca na sa media landscape daw noon kung saan karamihan sa mga babae ay light skinned, sina Tweetie de Leon at Angel Aquino ang nagpakita sa kaniya na “maitim is beautiful too.”
“Fast forward to today. When I found out that Cetaphil, a global mega brand, was coming in to support my @mega_magazine cover, I was so honored. Of all your beautiful endorsers, thank you for choosing a #proudmorena to help highlight what healthy, Filipina skin could look like,” saad ni Bianca.
Ipinapakita lamang din daw ng pagpili ng brands sa proud morenang katulad niya kung paanong patuloy na nag-eexpand ang beauty standards sa Pilipinas.
“So to the dark skinned young girl reading this, please know that hindi kailangan maging maputi para maging maganda. ,” saad ni Bianca.