Nasugbu, Batangas -- Patay sa pamamaril ang isang negosyanteng babae at ang kaniyang live-in partner noong Miyerkules ng umaga, Mayo 3. 

Kinilala ng Nasugbu police ang mga biktima na sina Rosola Vivas at live-in partner na si Clement Jalijali, pawang residente ng Paseo de Murcia, Terrazas de Punta Fuego, Barangay Natipuan ng bayang ito.

Ayon sa ulat ng pulisya, kalalabas lamang ng dalawang biktima sa municipal court matapos dumalo sa isang pagdinig at naglalakad patungo sa kanilang sasakyan nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek.

Dead on the spot ang babae matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan habang si Jalijali naman ay namatay sa ospital dahil sa mga tama ng bala.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

May mga operatiba ng pulisya sa loob ng trial court ang agad na rumesponde ngunit tumakas umano ang mga suspek sakay ng motorsiklong nakaparada sa hindi kalayuan sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.