Sinibak na sa serbisyo ang apat na tiwaling pulis ng Police Regional Office (PRO) sa Caraga Region bilang bahagi ng ipinatutupad na internal cleansing.

Sa pahayag ni PRO-13 director Brig. Gen. Pablo Labra II, ang apat na pulis ay kabilang sa 15 na miyembro ng pulisya sa naturang probinsya na pinarusahan dahil sa pagkakasangkot sa krimen at iba pang iligal na gawain. 

“We won’t allow a few bad apples among our ranks to spoil the image of our entire organization eclipsing the good deeds being done daily by the majority of police personnel,” banggit ni Labra.

Bukod sa apat na tinanggal sa serbisyo, lima rin sa 15 na pulis ang sinuspindi, dalawang ang pinawalang-bisa ang suweldo at apat naman ang pinagsabihan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Idinagdag pa ni Labra na ang apat na sinibak ay napatunayang nagkasala sa reklamong grave neglect of duty at grave misconduct.

Philippine News Agency