Mukhang kakaririn muli ni “Unkabogable Star” Vice Ganda ang larangan naman ng musika ngayong nakatakda ang comeback single na “Rampa.”

Ito ay kasunod ng anunsyo kamakailan ng ABS-CBN record label na StarPop tampok ang 47-anyos na Kapamilya Star.

Mapakikinggan ang newest release ni Vice sa darating na Mayo 1, Lunes, at maaaring mapre-save sa link na ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maliban sa kaniyang box office hits na mga pelikula at viral na hirit sa It’s Showtime bilang host, kilala rin si Meme sa kaniyang patok na music catalogue kabilang ang hit songs na “Walang Pabebe,” “Boom Panes,” “Push Mo Lang The!” bukod sa iba pa.

Ngayon pa lang, ilang fans naman ang nagpahayag na ng pagka-excite sa newest project ng Kapamilya star.