Binalaan ng Cabanatuan Electric Corporation (CELCOR) ang publiko dahil sa inaasahang pagkawala ng suplay ng kuryente sa Mayo 4 sa kabila ng matinding init ng panahon.

Sa Facebook post ng CELCOR nitong Biyernes, Abril 28, mararanasan ang power outage sa buong lungsod simula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, dahil na rin sa maintenance activity ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Kabilang sa mawawalan ng suplay ng kuryente ang mga pampubliko at pribadong ospital, gayundin ang mga establisimyento.

"CELCOR may energize the lines earlier than scheduled so consider the lines and equipment energized at all times. Please be guided accordingly," abiso pa ng kumpanya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol