Pinalagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang maling impormasyon sa social media na may bago nang ipinatutupad na number coding scheme o Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP).

Sa kanilang post sa Facebook, nilinaw ng MMDA na walang katotohanan ang nasabing impormasyon dahil wala naman silang inilalabas na bagong kautusan hinggil sa number coding.

"Nananatili ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi mula sa Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holiday," ayon sa MMDA.

"Pigilan ang pagkalat ng mga ganitong mensahe na dulot ay panic at kalituhan. Kung may natatanggap na mensahe o post sa social media ukol sa number coding at nais itong i-beripika, maaaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official page sa Facebook, Twitter, at Instagram," dagdag pa ng ahensya.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery