Isang barko sa Brgy. Punta Engaño, Lapu Lapu City, Cebu ang natupok ng apoy nitong Biyernes, Abril 28.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), ang nasabing barko na kinilalang MV Diamond Highway, ay sumasailalim sa salvage operation sa vicinity shoreline ng Brgy. Punta Engaño matapos itong sumadsad sa lugar noong pananalasa ng Bagyong Odette noong 2021.

Nagsimula ang apoy sa starboard bow habang pinuputol ang mga scrap metal ng barko, ayon umano kay kay Arnel Villaganas, ang operations manager ng MV Diamond Highway.

Sinabi naman ni Butch Orasaga, Supervisor ng Pilipinas Precious Metal Resources Inc. (PPMRI), na ligtas nilang napababa ang lahat ng mga tauhang nagsasagawa ng mga scrap operation.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Una na umanong nakita ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Lapu Lapu ang isang social media post tungkol sa insidente ng sunog bandang 2:20 ng hapon. Kaya’t agad daw silang nagpadala ng team para i-verify ito at magbigay ng tulong sa pag-apula ng apoy.

Ayon sa PCG, tumutulong na rin ang Coast Guard Sub-Station Lapu-Lapu at Marine Environmental Protection Unit (MEPU)-Central Visayas sa BFP Lapu-Lapu sa pagsugpo sa sunog.