ROSARIO, Batangas -- Itinumba ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem ang isang lalaking bumibili sa isang palengke noong Miyerkules ng hapon, Abril 26, sa Barangay Poblacion E sa bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Joel Umali. 

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na bumibili ng grocery si Umali dakong ala-1 ng hapon nang dumating ang dalawang suspek at binaril ito ng dalawang beses. 

Ayon sa mga saksi, nakasuot ng itim na jacket, asul na pantalon, at half-face helmet ang driver ng motorsiklo habang ang kaniyang back rider ay nakasuot ng gray na jacket. 

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Mabilis na tumakas ang mga ito patungo sa hindi malamang direksyon ayon sa ulat ng pulisya.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang fire cartridge ng kalibre.45.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang Rosario police at chineck ang CCTV footage para sa backtracking.