Umabot na ₱41.1 milyong ayuda ang ipinamahagi ng pamahalaan sa Cagayan Valley Region ngayong Abril.

Kabuuang 13,866 na indibidwal ang tumanggap ng nasabing financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula Abril 17-23.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa Batanes, Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya, ayon sa ahensya.

"In Isabela, DSWD-Field Office II, together with concerned local government units (LGUs), conducted a payout activity on April 22 for some 2,000 beneficiaries of AICS. Cash assistance were provided for their medical needs, funeral expenses and hospitalization, among others," ayon sa ahensya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Idinagdag pa ng DSWD na layunin ng programa na matulungan ang mahihirap na pamilyang walang ibang mapagkukunan ng tulong o ikabubuhay.