Nasa ₱6,840,000 halaga ng marijuana ang nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa operasyon sa Baguio City nitong Miyerkules.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) sina Arnold Fabian Atonen, 27, taga-La Trinidad, Benguet; at Daryl Collera, taga-Poblacion, Bakun, Benguet. 

Hindi na sila nakapalag nang dakmain ng arresting team sa Kennon Road, Brgy. Camp 7, Baguio City nitong Abril 26.

Aabot sa 57 kilo ng marijuana ang nahuli sa mga suspek.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol