Pumirma ng memorandum of agreement (MOA) ang Parañaque City government nitong Biyernes, Abril 21 sa PLDT telecommunication company para sa internet access at connection sa mga public hospital ng lungsod.

Pinirmahan ni Mayor Eric Olivarez ang MOA kasama si 1st District Rep. Edwin Olivarez, Ospital ng Parañaque I (OsPar-1) Director Dr. Jefferson Pagsisihan, at PLDT Enterprise Business Head of LGU Relations Vincent Rodriguez.

Ang MOA ay pinirmahan matapos ang inagurasyon ng dialysis unit sa OsPar-1. Ito ay magbibigay-daan sa lokal na pamahalaan na mag-set up ng internet connections sa dialysis unit ng OsPar-1 na malayang ma-access ng mga pasyente, ayon kay Olivarez.

Dagdag pa ng alkalde, na ang isang parehong MOA ang nilagdaan ng pamahalaang lungsod noong Pebrero 10 kasama ang PLDT at OsPar-2 Director na si Dr. Patrick Cruz para sa internet access sa kanilang ospital.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Nagbigay din ang PLDT ng anim na wireless na telephone at isang smart booster sa OsPar-2.

Jean Fernando