Napasama ang double gyroscope experiment na idinisenyo ng isang grupo ng mga mag-aaral mula sa Pilipinas, sa mga napiling gawin sa loob ng International Space Station (ISS) bilang parte ng 2025 Asian Try Zero-G (ATZG 2025) competition.
Batay sa lathala ng Philippine Space Agency (PhilSA) noong Biyernes, Mayo 22, ang nagsagawa ng experiment ay si National Aeronautics and Space Administration (NASA) Astronaut Christopher Williams, noong Marso 24.
Saad pa sa Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA), ang Pilipinas ay kabilang sa 11 experiments, na naka-livestream at napapanood ng finalists sa JAXA Tsukuba Space Center, Japan.
Ang mga mag-aaral na sina Christopher Tumamac, Ryan Andrew Doña, at Rose Ann Cezar ay kasalukuyang nasa third year ng kanilang astrophysics major sa Rizal Technological University (RTU).
Batay sa PhilSA, ibinahagi ng mga mag-aaral na kakaibang karanasan ang pagsasagawa ng kanilang experiments sa zero-gravity environment, ngunit hiling nila na mas marami pang Pinoy na mag-aaral ang makapag-apply sa ganitong programa at matuto mula rito.
“We are very thankful for this opportunity given to us by PhilSA and I hope in the next batches of ATZG, more Filipino students will apply so they can also experience proposing an experiment in zero-gravity, see their experiment carried out, and learn a lot,” saad ng mga ito.
Sa kaugnay na ulat, ang Pilipinas ay nakakasali na rin sa ATZG, at simula 2022, ilan sa experiments na nakakapasok ay ang “Rotation of dumbbell-shaped objects in space” ni William Kevin Abran; “Oliod’s Movement in Microgravity” ni Paul Anton Mahinay; at ang “Effectivity of Elastic Resistance Band Exercise when performed in Zero-Gravity” nina Gabriel John Guila, Dianne Cristine Cabiedes, Sean Matthew Castaneda, Franz Joshua Corpuz, Jose Ernest Guila, Arniel Kurt Macalla, Lee Andrew Medina, Giorgione Parrera, at Ace Gabriel Pega.