Hindi nagpatumpik-tumpik na sagutin ni Viva artist Katrina Velarde ang isang netizen na inilarawang “mga ghosts” ang isang milyong followers ng singer sa Facebook.

Talak kasi ng netizen, tila “padagdag” na umano ang 1M na followers ng singers na “di naman kaya pala bumili ng tickets” sa mga show ng singer.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Hirit din ng netizen ang umano’y mga “libreng sponsored shows na lang” ng Pinay diva sa ngayon.

Basahin: Katrina Velarde, nagpa-enhance na naman ng feslak, proud sa kaniyang ‘robot journey’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“'Di na nya masusundan ang frontier theater venue concert nya,” pagtatapos na nito.

Aliw na birada naman ni Katrina: “Kwento mo na lang sa nanay mo. May pera ako kasi may mga shows ako. #ThankGod. Kaya kwento mo na lang sa nanay mo comment mo.”

Ilang followers naman ang nag-react sa naturang bardagulan ng singer at netizen na umano na ngayon ng nasa mahigit 1.4k reactions at 178 comment.

Kamakailan, naunang naibalita ang pagkapurnada ng mga show ni Katrina sa Amerika matapos ang kinasangkutang kontrobersiya ng producer nito.

Basahin: Matapos kina Pokwang at K-Brosas, US tour din ni Katrina Velarde, napurnada – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid