May 22, 2026

Home BALITA Metro

Torre sa mga kumuha ng soft drinks sa naaksidenteng truck: 'Ito ay pagnanakaw!'

Torre sa mga kumuha ng soft drinks sa naaksidenteng truck: 'Ito ay pagnanakaw!'
Photo Courtesy: Nicolas Torre III, Screenshots from DZXL News (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Metro Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas Torre III kaugnay sa tumagilid na truck sa C5 Road, Taguig City nitong Lunes, Abril 27.

Ayon sa ulat ng isang radio station, sumikip umano ang daloy ng trapiko sa C5 Road dahil sa mga motoristang huminto para kumuha ng soft drinks mula sa truck.

Kaya sa latest Facebook post ni Torre, pinuna ni Torre ang ginawa ng ilang motorista na sinamantala ang pagkakataon para dekwatin ang kargamento ng sasakyan.

“Hindi ito diskarte. Hindi ito tulong. Ito ay pagnanakaw—plain and simple. Anuman ang dahilan, mali ang kumuha ng hindi sa iyo,” saad ni Torre.

Dagdag pa niya, “Kung ganito ang mindset, kahit anong programa ng gobyerno—babagsak.

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

Kung gusto natin ng maayos na lipunan, hindi puwedeng galit sa mali—pero gagawin din kapag may pagkakataon.”

Samantala, nauna nang alisin ng MMDA ang pagkakahambalang ng tumagilid na truck sa kalsada bandang madaling-araw nitong Lunes, Abril 27.