Natanggap na ng 14,114 elementary students sa Parañaque City ang kanilang allowance mula noong Setyembre hanggang Disyembre 2022.

Ayon kay Mayor Eric Olivarez, nakatanggap ng P2,000 ang bawat estudyante, na katumbas ng P500 kada buwan.

Ipinamahagi ngParañaque Citygovernment nitong Huwebes, Abril 20 ang nasabing allowance sa mga estudyante mula sa District II na ginanap sa limang elementary schools.

Dagdag pa ng alkalde, umabot sa 4,995 estudyante na walang ATM cards ang nakatanggap ng kanilang allowance.

Metro

Mandaluyong, nakamit ang 100% rating sa child-friendly local governance audit

Nasa 1,448 ng estudyante ang mula saParañaque Elementary School Unit II, 1,163 naman Sto. Niño Elementary School, 998 na estudyante mula sa Baclaran Elementary School Central, 801 mula Baclaran Elementary School Unit I, at 585 from Baclaran Elementary School Unit II.

Samantala, ang pamamahagi ng allowance ng mga elementary students mula sa District I ay gaganapin sa Abril 26 hanggang 27.