Sumabay sa trending na “choose your girlfriend” filter ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes, kung saan pinili niya si Anne Curtis para maging kaniyang girlfriend.

Sa TikTok account ni Andrea, mapapanood na hindi natitinag ang aktres sa pagpili kay Anne, hanggang sa lumabas ang kaniyang larawan at natigilan ito sa kaniyang pagpili nang makita ang sarili sa interactive filter.

“Uy may kamukha ako! Hahahaha,” sey ni Andrea sa kaniyang caption.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Natuwa naman ang netizens sa bagong upload na TikTok video na ito ni Andrea, at narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Bhie piliin mo sarili mo. Para di nasasaktan!”

“Dear you’re the youngest among the choices in this trend”

“Dyesebel x Future Dyesebel.”

Usap-usapan na si Andrea ang susunod na gaganap na sa iconic role ni Anne na “Dyesebel,” ngunit wala pang opisyal na pahayag dito ang pamunuan ng ABS-CBN.

Sa ngayon ay may halos 800k views na ang nasabing TikTok video ni Andrea.