Nangako si House Speaker Martin Romualdez nitong Huwebes, Abril 13, na lalo pang magsusumikap ang Kamara sa paggawa ng batas na mag-aangat umano sa buhay ng mga Pilipino matapos siyang makakuha ng mataas na performance rating sa inilabas ng Pulse Asia survey.

Ayon sa resulta ng survey sa March 2023 Ulat ng Bayan, tinatayang 51% ng mga Pinoy ay aprubado umano ang kabuuang performance ni Romualdez bilang tagapagsalita ng Kamara. Nasa 12% naman ang hindi aprubado sa naging kabuuang performance ng pangulo, habang 37% ang undecided.

“It is heartening to know that a majority of our people appreciate our earnest effort to pass measures to create jobs and business opportunities, provide assistance to the poor, and build a better future for all Filipinos,” ani Romualdez sa isang pahayag.

“As a token of our gratitude, we will work even harder to pass the pending bills to advance the 8-point socioeconomic agenda of President Ferdinand ["Bongbong"] Marcos, Jr. designed to uplift the lives of our people,” dagdag niya.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Isinagawa umano ang nasabing survey, na may ± 2.8% error margin at the 95% confidence level, mula Marso 15 hanggang Marso 19 ngayong taon sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 Pinoy na nasa 18-anyos pataas.

Nakakuha rin ng mataas na performance rating sa nasabing survey sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

BASAHIN: PBBM, VP Sara, nakakuha ng mataas na trust ratings sa Pulse Asia Survey

Kamakailan lamang ay nakakuha rin ang Kamara ng “very good” net satisfaction rating sa inilabas na survey ng Social Weather Station (SWS).

BASAHIN: Nangungunang tanggapan ng gov’t, ‘very good’ ang net satisfaction rating – SWS

“As House leader, I am deeply honored, humbled, and grateful to Filipino people for their trust and confidence in the House of Representatives," ani Romualdez.

Ellson Quismorio