Camp BGen Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite - Anim ang nasugatan matapos tumaob ang sinasakyang jitney bus sa Ternate, Cavite nitong Linggo.

Kaagad na isinugod sa Cavite Municipal Hospital sa Maragondon ang mga nasugatan na sina Carl Diaz, Rizza Maro Chacon, Rheinleen Casil, Ronaldo Casil, Graciala Dane Casil, at Efren Suarez, pawang taga-CAA, BF International, Las Piñas City.

Sa ulat ng Ternate Municipal Police Station, patungo sana sa isang beach sa Maragondon ang anim na nasugatang lulan ng nasabing sasakyang minamaneho ni Efren Boilers Suarez, Jr. nang mawalan ng preno sa pababang bahagi ng Lamesang Bato, Juanito Remulla, Ternate-Nasugbu Road, Sapang 1 nitong Abril 9 ng umaga.

Dahil dito, iniwasan ng driver na mahulog sa bangin kaya sila tumaob.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaugnay nito, pinayuhan ng pulisya ang mga nagbabalak na mag-outing ngayong summer na siguraduhing nasa kondisyon ang kanilang sasakyan upang maiwasan ang kahalintulad na aksidente.