Lalo pang hinigpitan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbabantay sa Batangas Port kasunod na rin ng pagdagsa ng mga pasahero na patungong Puerto Galera nitong Miyerkules.

Nitong Abril 5, umabot na sa 5,800 pasahero ang na-monitor ng PCG sa nasabing daungan.

Sa Facebook post ng PCG, ang mga naturang biyahero ay patungong Calapan, Oriental Mindoro.

Inaasahan pa ng Coast Guard ang paglobo ng bilang ng mga pasaherong uuwi sa Mindoro ngayong Mahal na Araw.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol