Patay na nang matagpuan ang isang lalaki at anak na menor de edad matapos malunod sa isang ilog sa Alicia, Isabela nitong Miyerkules Santo.

Kahit ilang minuto lamang ang nakaraan nang maganap ang insidente, kaagad na binawian ng buhay si Norman Balinang, 42, at 16-anyos na anak na lalaki matapos silang maiahon sa Ganano river sa Barangay Santa Maria.

Pinaghahanap pa rin ang 8-anyos na anak na lalaki ni Balinang, ayon sa mga awtoridad.

Bago ang insidente, nagtungo ang mag-aama sa lugar upang maligo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Bigla umanong nag-dive sa ilog ang walong taong gulang na bata. 

Nang hindi lumitaw, tinangka itong saklolohan ng 16-anyos na kapatid na hindi na rin lumitaw.

Dahil dito, nagpasyang sumaklolo ang ama ng mga ito. Gayunman, hindi na rin lumutang ni Balinang kaya sumaklolo na ang mga opisyal ng barangay.

Freddie Lazaro