Certified trending agad ang latest single ni Moira Dela Torre na “Eme,” ang ikaanim na track sa upcoming studio album ng singer-songwriter.

Tila walang pagtitimping bukas na liham naman anang netizens ang bagong kanta ni Moira para sa dating asawang si Jason Hernandez.

Matatandaan ang pinag-usapang hiwalayan ng kapwa artist noong 2022 kung saan inako ng dating mister ang pagloloko sa asawa. Tila sa mga kanta naman dinadaan ni Moira ang pagresbak ngayon.

Ang kantang “Eme” ay persperktiba ng isang tao sa ex-partner na tila nasaktan nang magkaroon ang huli ng bagong pag-ibig.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Ang kapal ng mukha mo

Wala na ngang tayo

Ba't parang 'di pwedeng lumaya?

Wala naman akong kasalanan

'Wag kang parang gago

Kung magkaro'n man akong bago

'Di ko kailangang magpaalam

Sa ilang taong nangloko, nagpaalam ka ba?

Paghirit ng netizens, tila nakaladkad nga muli ng kanta ang kapwa singer-songwriter na si Jason.

“Never hurt the singer-songwriter's heart because she puts a sweet revenge through her songs,” sey ng isang netizen sa aniya’y resbak ni Moira.

“Ang tapang ni Moira sa lyrics ng kantang Eme. Sakto sa huling araw ng March - International Women’s Month na-upload. Keep on fighting, Moira! We Love You! ❤️”

“Don't hurt an artist. She can create a masterpiece out of everything. Moira is a princess warrior. ♥🌷

“Moira is so strong that she handle all this things alone, without us noticing it.”

“Ms. Moira deserve better than what she had been, nagkamali siya ng napagbigyan ng tiwala or let's say kinuha ang tiwala niya ng maling tao. Sobrang nakakadurog nun, ipinagkatiwala niya lahat lalo ang kahinaan niya tapos ginanun lang siya. Laban madam Moi! Wag ka ng papagago. 🥺

“At first, I thought “Eme” was just a chaotic song lang dahil sa title. But when I listened to it grabe na pa WOW talaga ako. I feel her pain pag nasa part na dumidiin yung boses niya. Grabe iba ka talaga Moi! ❤

“Iba talaga pag sariling pinagdaanan na galing ung kanta. congratulations!! and salute for those people out there that survived and now capable of healing and acceptance, FINALLY! NAKAYA NATIN!”

Una nang napakinggan nang live ang kanta sa naging concert series ni Moira mula noong Pebrero hanggang nitong Marso. Kasalukuyan na itong ikawalo sa trending for music content sa YouTube Philippines at mayroong nasa higit 235,000 views, matapos lang ang dalawang araw.

Samantala, kamakailan ay nakorner naman ng kaniyang reaksyon si Jason sa mga pasaring ng dating misis.

Basahin: ‘May mga details lang na iba!’ Jason, nasasaktan nga ba sa mga ‘pasaring’ ni Moira? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Honestly, tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako. I deserve it. May mga details lang na iba, pero okay lang yun. Gano’n kasi ako, eh. Never n’yo maririnig na gaganti ako,” sey lang ni Jason sa PEP kamakailan.

Basahin: Umano’y parinigan nina Jason at Moira sa pamamagitan ng kanta, ikinaka-stress na ng netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos ang pinag-usapang hiwalayan ng celebrity couple, matapang na hinarap ni Moira maging sa harap ng publiko ang ilang pinagdaanan at naging kalagayan ng kaniyang puso.

“Sa lahat ng pinagdadaanan ko sa buhay, laging ‘yun yung initial reaction. I always say, ‘What did I do wrong?’ especially now, ‘Saan ba ‘ko nagkulang?’. Dati akala ko ‘yung ‘Paubaya’ kanta ko lang. Pero tinatanong naman natin lagi sa sarili natin—‘Saan tayo nagkamali, nagkulang?’. Hindi lang sa relationships, sa career, kung anuman. But at the same time, I also know na God makes all thing beautiful in his time, ani Moira sa naging panayam sa kaniya sa Magandang Buhay noong nakaraang taon.

Gayunpaman, naniwala noon ang ang singer na bubuuin siya muli ng Diyos, maging ang ex-husband na sinabi niyang bukas sa kaniyang pagpapatawad.

Dagdag pa niya noon, sa kabila ng lahat ay panatag ang singer-songwriter na “true love,” lalo na mula sa Diyos.