Dalawa pang pagyanig ang naitala sa Taal Volcano sa Batangas, ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo.

Ang volcanic tremors na naramdaman sa nakaraang 24 oras ay tumagal dalawa hanggang 13 minuto.

Nasa 2,652 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga rin ng bulkan nitong Abril 1.

Umabot din sa 900 metrong taas ang pinakawalang usok ng bulkan na naipadpad sa timog-kanluran at kanluran-timog kanluran.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Naitala pa rin ang ground deformation sa kabuuang Taal Caldera at Taal Volcano Island.

Patuloy pa ring ipinagbabawal ang paglapit at pagpasok sa permanent danger zone ng bulkan dahil sa posibleng pagputok nito o pagbuga ng abo.