Camp BGen Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite - Natimbog na ng pulisya ang suspek sa pagpatay kay De La Salle University (DLSU) graduating student Queen Leanne Daguinsin, 24, sa Dasmariñas City, Cavite kamakailan.

Kinilala ni Cavite Police Provincial Office director, Col. Christopher Olazo, ang suspek na si Angelito Erlano, 39, at taga-Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City.

Si Erlano ay inaresto ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit at Dasmariñas City Police Station sa pinagtataguang kapitbahay sa Brgy. Victoria Reyes, nitong Abril 1, dakong 10:40 ng umaga.

Nagtangka pa umanong lumaban ni Erlano nang sugurin nito ng screwdriver ang mga pulis.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang pinatay umano ni Erlano si Daguinsin sa loob ng inuupahang dormitoryo sa Brgy. Sta. Fe nitong Marso 28.