Pito pang pasahero ng nasunog na M/V Lady Mary Joy 3 sa karagatang sakop ng Hadji Muhtamad sa Basilan kamakailan ang naiulat na nawawala.

Sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG), target ng isinasagawang search and rescue operation ng kanilang mga tauhan at iba pangahensya ng pamahalaan, ang mga nasabing pasahero.

Ayon sa ahensya, 24 oras ang kanilang operasyon sa pag-asang mahanap ang pitong pasahero.

Sinabi naman ni PCG District Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) commander, Commodore Rejard Marfe na nasa 216 ang nailigtas sa insidente habang 29 naman ang nasawi.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang sumiklab ang nasabing barko habang naglalayag mula Zamboanga City patungong Jolo, Sulu sa karagatang sakop ng Baluk-Baluk Island nitong Miyerkules ng gabi.

Sakay ng naturang barko ang 35 tripulante, 205 pasahero, walong tauhan ng Philippine Army at apat na miyembro ng PCG nang maganap ang insidente.