Nag-alok na ng ₱600,000 na pabuya sina Senator Ramon Revilla, Jr. at Cavite Governor Juanito Victor Remulla laban sa suspek sa pagpatay sa isang babaeng graduating student ng De La Salle University (DLSU) sa Dasmariñas City kamakailan.

Unang naglabas ng ₱300,000 reward si Remulla at sinegundahan naman ito ni Revilla na nag-offer din ng kahalintulad na halaga.

Sa social media post ng Cavite Police Provincial Office (CPPO), layunin ng reward na mapadali ang pagtukoy at pag-aresto sa suspek sa pagpatay kayQueen Leanne Daguinsin, 24, a computer science student at taga-Barangay Bulilan Sur, Pila, Laguna.

Si Danguinsin ay natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng inuupahang Rolisa Dormitory, sa Brgy. Sta. Fe, Dasmariñas City, Cavite nitong Marso 28.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nangako naman ang CPPO na hindi titigil hangga't hindi naaaresto ang suspek na nahagip ng closed-circuit television (CCTV) camera na tumatakas dakong 1:00 ng madaling araw ilang oras bago madiskubre ang krimen.