Nahaharap na ngayon sa kasong graft ang ilang opisyal ng Bureau of Animal Industry (BAI) kaugnay sa umano'y pagbale-wala sa kautusan ni Cebu Governor Gwen Garcia na itigil ang pagpatay sa mga baboy sa ilang lugar sa lalawigan na apektado ng African swine fever (ASF).

Kabilang sa mga kinasuhan ng paglabag sa Republic Act (RA) 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), RA 7610 (Local Government Code of 1991) at Article 19, 20, at 21 ng New Civil Code sina BAI directoerPaul Limson, BAI deputy program director Samuel Joseph Castro, BAI coordinator on ASF Joshua Cruz, Dr. Miriam Lopez Vito, ngRegional Veterinary Quarantine Station,at Dr. Daniel Ventura,Jr., coordinator sa ASF ng Department of Agriculture (DA)-Region 7.

Sa affidavit of complaint ni Garcia na isinampa ng dalawang abogado ng Provincial Legal Office na sina Neil Ediza at Isis Capangpangan sa anti-graft agency sa Visayas, umapela ito parusahan ang mga nasabing opisyal dahil umano sa hindi pagsunod sa kanyang direktiba na itigil muna ang pagpatay sa mga baboy sa mga lugar na apektado ng sakit.

Sa kanyang reklamo, binanggit ni Garcia na inanunsyo ng BAI na lumaganap na ang ASF sa Cebu kaya kailangan umanong patayin ang mga baboy na sakop ng 500 metro mula sa mga lugar na apektado ng sakit.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa gobernador, nabigo ang BAI na magsagawa ngdifferential diagnosis upang madetermina sana kung ASF ang nakahawa sa mga lugar sa Carcar, at hindi ibang virus.

“BAI ruled to indiscriminately cull all pigs within 500 meters from the affected area. Worse, the agency did not verify as to where the samples, which allegedly tested positive, came from. They merely alleged that the blood samples were obtained from a slaughterhouse in Carcar in line with the regular ASF surveillance,” ani Garcia.

Malaki aniya ang nalugi sa mga magbababoy sa Barangay Can-asujan, Carcar matapos patayin ang mga alagang baboy na pinaghihinalaang tinamaan ng ASF.

“Despite my orders, BAI personnel continued to implement their culling and zoning map police to the prejudice of the hog raisers not only in the City of Carcar, but in the whole province of Cebu,” sabi pa ng gobernador.

Calvin Cordova