SAN PABLO, Laguna -- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin umano ng anim na beses ng hindi pa nakikilalang suspek nitong Linggo ng gabi, Marso 26, sa Brgy. San Jose rito. 

Sa ulat ng San Pablo City police, kinilala ang biktima na si John Paul Reyes Manuel, empleyado ng isang mall, at residente ng nasabing lugar.

Pinagbabaril umano ng anim na beses ang biktima habang pauwi sa kaniyang pinagtatrabahuhan at nagtamo ng mga tama ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan ngunit idineklara itong dead on arrival nang dalhin sa San Pablo City General Hospital.

Tumakas umano ang suspek sa hindi malamang direksyon dala ang gamit na baril sa pagpatay.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang San Pablo City police para tugisin ang tumakas na suspek. 

Sa nasabing ulat, nakolekta ng pulisya sa lugar ng krimen ang anim na basyo ng bala ng baril.