Ibinalita mismo ni Meta founder at CEO Mark Zuckerberg na naisilang na ng kaniyang misis at co-founder na si Priscilla Chan ang kanilang ikatlong anak, na pinangalanan nilang "Aurelia."

Makikita ito mismo sa Facebook post ni Mark na siya ring nakatuklas ng isa sa mga pinakasikat na social media platform sa buong daigdig.

"Welcome to the world, Aurelia Chan Zuckerberg! You're such a little blessing," caption ni Mark kalakip ang dalawang litrato. Nagsilang si Priscilla noong Biyernes, Marso 24.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Sa unang litrato, makikita ang nakangiting tatay na nakikipagtitigan sa kaniyang bunso, habang ang isa naman, makikitang nakasandig sa dibdib ng nanay si Baby Aurelia.

Bandang Setyembre noong nakaraang taon nang opisyal na inanunsyo ni Mark na magkakaroon ng baby sister ang dalawang anak na sina Max at August.