Isang 13-anyos na dalagita ang nalunod matapos maligo sa breakwater ng Manila Bay sa Tondo, Maynila nitong Sabado.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center ang estudyanteng si Kyshia Nicole Malbas, taga-Capulong St., Brgy. 108, Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Raxabago Police Station 1 (PS-1), dakong 4:40 ng hapon nang magkayayaan ang biktima at kanyang kapatid na siKian Rain, 11, na maligo sa breakwater na sakop ng Happyland sa Tondo.

Ayon kay Kian Rain, hindi niya nasagip ang kapatid nang makitang nalulunod kaya kaagad siyang humingi ng saklolo.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Kaagad namang sumaklolo ang tiyuhin mga ito na si John Jay Malbas, 36, at naisugod pa sa ospital ang dalagita kung saan binawian ng buhay.