Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na mapupuksana ang tuberculosis sa Pilipinas pagsapit ng 2035.

Ito ay nang ilunsad ng DOH angPhilippine Acceleration Action Plan for Tuberculosis (PAAP-TB) na isangmultisectoralinitiative, na may layuning puksain ang nasabing nakamamatay na sakit.

Sa isang pahayag nitong Sabado, layunin ng nasabing hakbang ng DOH, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of the Interior and Local Government (DILG), na magkaloob ng mas malawak na access ang publiko sa health services.

Paiigtingindin nito angedukasyon at public information, social protection, at labor protection upang puksain ang naturang karamdaman.

National

PBBM namahagi ng P100M ayuda; umaasang makabangon agad ang Bicol

Ang TB ay isang chronic communicable disease na pangalawa lamang sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) bilang pangunahing sanhi ng mortality mula sa isang single infectious organism.

Sa Global TB Report 2022, ang naturang karamdaman ay itinuturong sanhi ng pagkamatay ng nasa 1.6 milyon noong 2021.

Sa isang preliminary report naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong taon, ang TB pa rin ang pang-11 sa mga sanhi ng pagkamatay ng mga Pinoy.