Kasalukuyang hinahanap ang 22-anyos na graduating student na si Darlene Luzelle R. Uy mula sa Samar State University (SSU) matapos umano itong mawala noong Marso 23.

Sa post ng opisyal ng Facebook page ng SSU nitong Biyernes, Marso 24, huli raw nakita si Uy sa Catbalogan I Central Elementary School, kung saan siya na-deploy bilang isang practice teacher.

Umalis umano sa nasabing paaralan si Uy dala-dala ang kaniyang cellphone at P20. Pagkatapos no’n ay hindi na ito nakontak.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

(Photo courtesy of Uy family via Manila Bulletin)

Naiulat na rin daw ng pamilya ni Uy sa Catbalogan City Police Station ang kaniyang pagkawala, at patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon dito.

“Samar State University appeals to the public to contact the University at (055) 530-0629 or Mr. Ramonito Uy (Father) at 09165273354 for any information regarding Ms. Darlene Luzelle R. Uy,” pahayag ng SSU.