Dalawang indibidwal ang nasawi habang siyam pa ang nawawala matapos umanong magkaroon ng pagsabog sa isang pagawaan ng tsokolate sa US state of Pennsylvania nitong Biyernes, Marso 24.

Sa ulat ng Agence France Presse, ibinahagi umano ng local TV network na WFMZ na bukod sa mga patay at nawawala, anim pa ang dinala sa mga pasilidad na medikal.

Nangyari umano ang pagsabog sa RM Palmer Company sa West Reading borough ng Pennsylvania dakong 5:00 ng hapon (2100 GMT).

Ang RM Palmer ay gumagawa ng mga seasonal chocolate novelties tulad ng Easter bunnies at hugis pusong Valentine's Day sweets mula pa noong 1948.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Iniimbestigahan pa naman umano ng mga awtoridad ang sanhi ng pagsabog na nagdulot din ng sunog sa lugar.