Kanselado ang implementasyon ng number coding scheme sa Abril 6-10 kaugnay ng paggunita ng Semana Santa, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa social media post ng MMDA, ang Abril 6 ay Huwebes Santo, Abril 7 (Biyernes Santos), Abril 8 (Sabado de Gloria).

Ang Abril 9 naman ay Linggo ng Pagkabuhay habang ang Abril 10, Lunes, ay Day of Valor.

Binanggit din ng MMDA na magtatatag din sila ng multi-agency command center (MACC) sa metrobase ssa April 3 upang matiyak ang mapayapa at makabuluhang paggunita ng Mahal na Araw.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ang MACC ay bubuuin ng mga kinatawan ng MMDA, Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Inter-Agency Council for Traffic, Land Transportation Office, Philippine National Police, at local government units.

"Through this inter-agency action center, we can monitor real-time updates on bus terminals across Metro Manila to ensure safer travel of the commuting public and orderly traffic flow in our roads as we observe the Holy Week,” pahayag naman ni MMDA acting chairman Romando Artes.